Ang sinasabing anak ni Mt. Madjaas

history
Ang madja-as  ay isang bundok na hindi nasubok akyatin ng mga pinoy dahil sa sabi-sabing kapag umakyat ka raw sa bundok na ito ay hindi kana makakabalik sa pinanggalingan mo at sa mga engkantong  sinasabi nila  tulad ng mga diwata at tikbalang  sinasabi rin nila na ang bundok ng madja-as ay may tinatagong  dagat sa likod nito may makikita ka raw  na mga sirena syokoy at malalaking pating pero ang ibang tao ay sinobok itong akyatin ewan ko kung taga saan ang mag taong umakyat nito. may mga nagpapatunay na may naka akyat  na sa bundok ng madja-as. Ang mga ito ay hindi naniniwala sa kasabihan na hindi kana makakabalik sa pinanggaling mo kapag sinubukan mong umakyakt sa bundok ng madja-as. Sa katunayan ay matagumpayan nilang naakyat ang madja-as. Sila ay nag enjoy at nag explore ng marami. Ayong sa mga taong naka akyat na doon noon ay my tinatagong ilog/dagat kung saan kapag umakyak kalang saka mo lang ito makikita .
Ayon sa mga ninuno tungkol sa alamat ng madja-as  , si madja-as ay nagkaroon ng 3ng anak ito ay MARARISON, BATBATAN at MANIGUIN,. Ang kanyang  3 anak ay nagkahiwa-hiwalay para mahanap ang kanilang ama na si KANLAUN. Ayon sa kwento ng nasabing alamat , si di Madja-as daw ay nalungkot  at lumuha sa sobrang alala sa kanyang mga anak .Ang mga luha ni MADJA-AS ay masasabing naging talon sa bundok ng madja-as.

Bago makilala ni madja-as si kanlaun ay  maraming manliligaw ito ,pero ay mas naging karibal ni madja-as ay si baloy . parehas na matapang ang dalawa pero hindi parin talaga matitinag si kanlaun. Kaya si kanlaun ang napiling makasama habang buhay.  Si MARARISON , BATBATAN at si MANIGUIN ang bunga ng pagmamahalan. Si kanlaun ay mahilig mag lakwatsya at noong araw na iyon ay alalang- alala si madja-as dahil sa hindi parin bumabalik si kanlaun, naaawa na ang kanyang tatlong anak sa kanya( madja-as) kaya naisip nilang mag layag at hanapin ang kanilang ama na si kanlaun.
Noong araw na hinahanap na nila ang kanilang ama na si kanlaun ay may  nangyaring masama sa kanilang tatlo, hindi nila naasahan may paparating na bagyo noong araw na iyo. Pinilit parin nilang tatlo ng hanapin ang kanilang ama, pero habang papalayo ng papalayo sila sa pinanggalingan ay papalakas ng papalakas ang bagyo. Hindi na kaya ng Bangka nila ang agos ng dagat kaya`t ito nasira at sila ay inagos ng dagat at nagkahiwalay. kaya`t noon ay binansagan na ng mga culasino ang MARARISON,BATBATAN, MANIGUIN ay tatlong isla ng culasi.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento